Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 1

Mga Hukom 1:3-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Sinabi ng pangkat ng mga tao ng Juda sa pangkat ng mga tao ng Simeon, kanilang mga kapatid, “Sumama kayo sa amin sa teritoryong itinalaga sa amin, para sama-sama tayong lumaban sa mga Cananeo. At kami din ay sasama sa inyo, sa teritoryong itinalaga sa inyo.” Kaya ang lipi ni Simeon ay sumama sa kanila.
4Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek.
5Natagpuan nila si Adoni Bezek sa Bezek, at nakipaglaban sila sa kaniya at tinalo ang mga Cananeo at mga Pherezeo.
6Pero tumakas si Adoni Bezek, siya ay hinabol nila at nahuli, at pinutol nila ang kaniyang mga hinlalaki sa kamay at mga malalaking daliri sa paa
7Sinabi ni Adoni Bezek, “Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin.” Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay.
8Ang mga tao ng Juda ay nakipaglaban sa lungsod ng Jerusalem at kinuha ito. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada at ang lungsod ay sinunog nila.
9Pagkatapos noon, bumaba ang mga lalaki ng Juda para makipaglaban sa mga Cananeo na naninirahan sa burol na bansa, sa Negev, at sa mga mababang burol ng katimugan.
10Sumalakay ang Juda laban sa mga Cananeo na naninirahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron noong una ay Kiriat Arba), at tinalo nila si Sesai, Ahiman, at Talmai.
11Mula roon sumalakay ang mga lalaki ng Juda laban sa mga naninirahan ng Debir (Kiriat Sefer ang dating pangalan ng Debir)
12Sinabi ni Caleb, “Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa.”

Read Mga Hukom 1Mga Hukom 1
Compare Mga Hukom 1:3-12Mga Hukom 1:3-12