19Si Yahweh ay kasama ng mga tao ng Juda at inangkin nila ang bulubundukin, pero hindi nila napalayas ang mga naninirahan sa mga kapatagan dahil mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma.
20Ibinigay kay Caleb ang Hebron (gaya ng sinabi ni Moises), at pinalayas niya roon ang tatlong anak na lalaki ni Anak.
21Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito.
22Naghahanda ang sambahayan ni Jose para salakayin ang Betel, at kasama nila si Yahweh.
23Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz).
24Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
25Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo.
26At ang lalaki ay pumunta sa lupain ng mga anak ni Het at nagtayo ng isang lungsod at tinawag itong Luz, na pangalan nito sa araw na ito.
27Hindi pinalayas ng mga tao ng Manases ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Bet San at ang mga nayon nito, o Taanac at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Dor at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Ibleam at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Megido at ang mga nayon nito, dahil determinado ang mga Cananeo na manirahan sa lupaing iyan.
28Nang maging malakas ang Israel, pinilit nila ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, pero hindi nila kailanman sila ganap na pinalayas.
29Hindi pinalayas ng Efraim ang mga Cananeong naninirahan sa Gezer, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo sa Gezer kasama nila.
30Hindi pinalayas ng Zabulun ang mga taong naninirahan sa Kitron, o ang mga taong naninirahan sa Nahalol, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila, pero pinilit ng Zabulun ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mabigat na trabaho.
31Hindi pinalayas ng Aser ang mga taong naninirahan sa Acco, o ang mga taong naninirahan sa Sidon, o ang mga naninirahan sa Alab, Aczib, Helba, Apik, o Rehob.
32Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanirahan sa lupain), dahil sila'y hindi nila pinalayas.
33Hindi pinalayas ng lipi ni Neftali ang mga naninirahan sa Bet-semes, o ang mga naninirahan sa Bet Anat. Kaya nanirahan ang lipi ni Neftali kasama ang mga Cananeo (ang mga taong naninirahan sa lupaing iyon). Gayunpaman, ang mga naninirahan sa Bet-semes at Bet Anat ay sapilitang pinagtrabaho ng mabigat para sa Neftali.
34Pinilit ng mga Amoreo ang lipi ni Dan na manirahan sa burol na bansa, sila ay hindi pinahihintulutang bumaba sa kapatagan.