Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 13

Mga Hukom 13:5-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
6Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. “Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
7Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'”
8Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
9Sumagot ang Diyos sa panalangin ni Manoa, at muling dumating sa babae ang anghel ng Diyos nang nakaupo siya sa bukid. Pero hindi niya kasama si Manoa na kaniyang asawa.
10Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!”

Read Mga Hukom 13Mga Hukom 13
Compare Mga Hukom 13:5-10Mga Hukom 13:5-10