Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 9

Mga Gawa 9:9-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
10Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, “Ananias” At sinabi niya, “Tingnan mo, narito ako, Panginoon.”
11Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin;
12at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita.”
13Ngunit sumagot si Ananias, “Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem.
14Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan.”
15Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
16sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan.”
17Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
18Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan;
19at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.
20Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.
21lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi. “Hindi ba ito ang taong lumipol sa mga taga-Jerusalem na tumatawag sa pangalang ito? At siya ay naparito upang dalhin sila na nakagapos sa mga punong pari.”
22Ngunit si Saulo ay lalong napalakas upang mangaral at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ay ang Cristo.
23Pagkalipas ng maraming araw, sama-samang nagplano ang mga Judio upang siya ay patayin.
24Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang plano. Nagbantay sila sa pintuang bayan araw at gabi upang siya ay patayin.
25Subalit nang gabi ay kinuha siya ng kaniyang mga alagad at binaba siya sa pader sa pamamagitan ng isang basket.
26Nang dumating siya sa Jerusalem, nagtangkang sumama si Saulo sa mga alagad, subalit natakot silang lahat sa kaniya, hindi sila naniniwalang siya ay isang alagad.
27Ngunit isinama siya ni Bernabe at ipinakilala sa mga alagad. At sinabi niya sa kanila kung paanoni Saulo nakita ang Panginoon sa daan at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya, at kung paano buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus.
28Nakipagkita siya sa kanila habang sila ay pumapasok at lumalabas ng Jerusalem. Nagsalita siya ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus
29at nakipagtalo sa mga Helenista; ngunit sinubukan parin nila siyang patayin.

Read Mga Gawa 9Mga Gawa 9
Compare Mga Gawa 9:9-29Mga Gawa 9:9-29