Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 7

Mga Gawa 7:2-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran;
3sinabi niya sa kaniya, 'Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.'
4Pagkatapos iniwan niya ang lugar ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran; mula doon, matapos mamatay ang kaniyang ama, dinala siya ng Diyos sa lupain na ito, kung saan kayo naninirahan ngayon.
5Wala siyang ibinigay na anuman dito bilang pamana sa kaniya, wala, kahit na sapat man lang na paglagyan ng paa. Ngunit siya ay nangako—kahit na wala pang Anak si Abraham—na kaniyang ibibigay ang lupain bilang pag-aari para sa kaniya at sa kaniyang magiging kaapu-apuhan na susunod sa kaniya.
6Nakikipag-usap sa kaniya ang Diyos ng katulad nito, na ang kaniyang kaapu-apuhan ay panandaliang maninirahan sa ibang lupain, at dadalhin sila ng mga naninirahan doon sa pagkaalipin at pakikitunguhan sila ng masama ng apatnaraang taon.
7At hahatulan ko ang bansa kung saan sila ay magiging alipin,' sabi ng Diyos, 'at pagkatapos lalabas sila at sasambahin ako sa lugar na ito.'
8At ibinigay niya kay Abraham ang tipan ng pagtututli. Kaya si Abraham ang naging ama ni Isaac at tinuli siya sa ikawalong araw; Si isaac ang naging ama ni Jacob, at si Jacob ang naging ama ng labindalawang patriyarka.
9Nainggit kay Jose ang mga patriyarka kaya ibenenta nila siya sa Egipto, at Sinamahan siya ng Diyos,
10at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang mga pagdurusa, at pinagpala siya ng Diyos ng karunungan sa harap ni Faraon, na hari ng Egipto. Pagkatapos ginawa siya ng Faraon na gobernador ng Egipto at ng kaniyang buong sambahayan.
11Ngayon ay nagkaroon ng taggutom sa buong lupain ng Egipto at Canaan, at labis na pagdurusa: at walang natagpuang pagkain ang ating mga ninuno.
12Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na mayroong butil sa Egipto, ipinadala niya ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon.
13Sa ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid; at ang sambahayan ni Jose ay nakilala ng Faraon.
14Pinabalik ni Jose ang kaniyang mga kapatid upang sabihin kay Jacob na kaniyang ama na magtungo sa Egipto, kasama lahat ng kanilang kamag-anak at pitumpu't limang tao silang lahat.
15Kaya bumaba si Jacob sa Egipto; pagkatapos namatay siya, pati na rin ang ating mga ninuno.
16Sila ay dinala sa Siquem at inihimlay sa libingan na binili ni Abraham sa halaga ng pilak mula sa mga anak ni Hamor na taga Siquem.
17Habang papalapit ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, ang mga tao ay lumago at dumami sa Egipto,
18hanggang sa may tumayo na ibang hari sa buong Egipto, isang hari na hindi alam ang tungkol kay Jose.
19Siya din ang hari na nanlinlang sa ating mga kababayan at nagmalupit ng labis sa ating mga ninuno, na kinailangan nilang itapon ang kanilang mga sanggol upang makaligtas.
20Isinilang si Moises ng panahong iyon; siya ay napakaganda sa harapan ng Diyos at inalagaan ng tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama.
21Nang siya ay itinapon, kinuha siya ng anak na babae ng Paraon at pinalaki siya na kagaya ng kaniyang sariling anak.
22Naturunan si Moises sa lahat ng kaalaman ng mga taga Egipto, at naging makapangyarihan siya sa kaniyang mga salita at mga gawa.
23Ngunit nang siya ay nasa apatnapung taon na, pumasok sa kaniyang puso na bisitahin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel.
24Nang makakita siya ng Israelita na inaapi, ipinagtanggol siya ni Moises at pinaghiganti sa pamamagitan ng paghampas sa Egipcio:
25Inakala niya na maiintindihan siya ng kaniyang mga kapatid na inililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ngunit hindi nila naintindihan.
26Nang sumunod na araw pumunta siya sa ilang mga Israelita habang sila ay nag-aaway; sinubukan niyang pagkasunduin sila; sinabi niya, 'Mga Ginoo, kayo ay magkapatid; bakit kayo nag-aaway?'
27Ngunit itinulak siya ng lalaking nanakit sa kaniyang kapatid at sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo upang mamuno at humatol sa amin?
28Nais mo ba akong patayin katulad ng pagpatay mo sa Egipcio kahapon?'
29Tumakas si Moises matapos na marinig ito, naging dayuhan siya sa lupain ng Madian, kung saan siya ay naging ama ng dalawang anak na lalaki.
30Nang makalipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kaniya ang anghel sa ilang ng bundok Sinai, sa ningas ng apoy na nasa mababang punongkahoy.
31Nang makita ni Moises ang apoy, namangha siya sa kaniyang nakita; at habang siya ay papalapit upang tingnan ito, doon ay dumating ang tinig ng Panginoon, na nagsasabing,

Read Mga Gawa 7Mga Gawa 7
Compare Mga Gawa 7:2-31Mga Gawa 7:2-31