Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 25

Mga Gawa 25:8-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, “Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama.”
9Ngunit gustong makuha ni Festus ang loob ng mga Judio kaya sumagot siya kay Pablo at sinabing, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem at doon kita husgahan tungkol sa mga bagay na ito?”
10Sinabi ni Pablo, “Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
11Kung may nagawa man akong pagkakamali at kung may nagawa man akong karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan ang mamatay. Ngunit kung ang kanilang mga paratang ay walang halaga, walang sino man ang maaaring magdala sa akin sa kanila. Kaya nga ako tumatawag kay Cesar.”
12Pagkatapos makipag-usap ni Festo sa kapulungan, sumagot siya, “Tumawag ka kay Cesar; pupunta ka kay Cesar.”

Read Mga Gawa 25Mga Gawa 25
Compare Mga Gawa 25:8-12Mga Gawa 25:8-12