5Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel!
6Katulad ng mga lambak sila'y inilatag, katulad ng mga hardin sa tabing ilog, katulad ng mga mabangong punong itinanim ni Yahweh, katulad ng mga sedar sa gilid ng mga tubig.
7Ang mga tubig na dumadaloy sa kanilang mga lalagyan, at ang kanilang mga binhi ay saganang-natubigan. Ang kanilang hari ay mas mataas kaysa kay Agag, at pararangalan ang kanilang kaharian.
8Ilalabas siya ng Diyos sa Ehipto. Mayroon siyang lakas katulad ng isang mabangis na baka. Uubusin niya ang mga bansa na lalaban sa kaniya. Babaliin niya ang kanilang mga buto sa pira-piraso. Tutudlain niya sila ng kaniyang mga palaso.
9Yuyuko siya katulad ng isang leon, katulad ng isang babaeng leon. Sino ang mangangahas na gambalain siya? Nawa, ang lahat na magpapala sa kaniya ay pagpalain; nawa, ang lahat na sumumpa sa kaniya ay sumpain.”
10Ang galit ni Balak laban kay Balaam ay sumiklab at hinampas niya ang kaniyang mga kamay sa galit. Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ipinatawag kita upang isumpa ang aking mga kaaway, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila ng tatlong beses.
11Kaya iwan mo ako ngayon at umuwi ka na. Sinabi ko na labis kitang gagantimpalaan, ngunit pinigilan ka ni Yahweh na makakuha ng anumang gantimpala.”
12At sumagot si Balaam, “Sinabi ko sa mga mensaherong ipinadala mo sa akin,
13'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila?