10Ang galit ni Balak laban kay Balaam ay sumiklab at hinampas niya ang kaniyang mga kamay sa galit. Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ipinatawag kita upang isumpa ang aking mga kaaway, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila ng tatlong beses.
11Kaya iwan mo ako ngayon at umuwi ka na. Sinabi ko na labis kitang gagantimpalaan, ngunit pinigilan ka ni Yahweh na makakuha ng anumang gantimpala.”
12At sumagot si Balaam, “Sinabi ko sa mga mensaherong ipinadala mo sa akin,
13'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila?
14Kaya ngayon, tingnan mo, babalik ako sa aking mga tao. Ngunit binabalaan muna kita kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa iyong mga tao sa darating na mga araw.”