Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 23

Mga Bilang 23:1-5

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Sinabi ni Balaam kay Balak, “Gumawa ka ng pitong altar dito para sa akin at maglaan ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa.
2Kaya ginawa ni Balak ayon sa hiniling ni Balaam. Pagkatapos, naghandog si Balak at Balaam ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
3Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka malapit sa handog na susunugin at pupunta ako. Marahil darating si Yahweh upang makipagkita sa akin. Anuman ang ipapakita niya sa akin sasabihin ko sa iyo.” Kaya umalis siya patungo sa isang burol na walang mga puno.
4Nakipagkita ang Diyos sa kaniya, at sinabi ni Balaam sa kaniya, “Gumawa ako ng pitong altar, at nag-alay ako ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat isa”.
5Naglagay ng isang mensahe si Yahweh sa bibig ni Balaam at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at magsalita ka sa kaniya.”

Read Mga Bilang 23Mga Bilang 23
Compare Mga Bilang 23:1-5Mga Bilang 23:1-5