Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 15

Mga Bilang 15:16-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Ang parehong batas at kautusan ang dapat masunod sa inyo at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”'
17Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
18“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupain kung saan ko kayo dadalhin,
19kapag kakainin ninyo ang pagkaing nagmula sa lupain, dapat kayong maghandog ng isang handog at idulog ito sa akin.
20Mula sa una ng inyong masang harina, dapat kayong maghandog ng isang tinapay upang itaas ito bilang isang itinaas na handog mula sa giikang palapag. Dapat ninyong itaas ito sa ganitong paraan.
21Dapat kayong magbigay sa akin ng isang itinaas na handog sa buong salinlahi ng inyong mga tao mula sa una ng inyong masang harina.
22Minsan magkakasala kayo nang hindi sinasadya, kapag hindi ninyo sinunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ko kay Moises—

Read Mga Bilang 15Mga Bilang 15
Compare Mga Bilang 15:16-22Mga Bilang 15:16-22