Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 23

Lucas 23:3-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Tinanong siya ni Pilato, sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At sinagot siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw na ang may sabi.”
4Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa maraming tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5Ngunit sila ay nagpupumilit, sinasabi, “Ginugulo niya ang mga tao, nagtuturo sa buong Judea, mula sa Galilea maging sa lugar na ito.”
6Kaya nang marinig ito ni Pilato, tinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
7Nang malaman niyang nasa ilalim siya ng pamumuno ni Herodes, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem din sa mga araw na iyon.
8Nang makita ni Herodes si Jesus, labis siyang natuwa, dahil matagal na niya itong nais makita. Nakarinig siya ng tungkol sa kaniya at ninais niyang makakita ng ilang himala na ginawa niya.
9Maraming itinanong si Herodes kay Jesus, ngunit walang isinagot si Jesus sa kaniya.
10Tumayo ang mga punong pari at mga eskriba, marahas siyang pinaparatangan.
11Inalipusta siya ni Herodes kasama ng kaniyang mga kawal, at kinutya siya, at dinamitan siya ng magandang kasuotan, at ipinadala si Jesus pabalik kay Pilato.
12Naging magkaibigan sina Herodes at Pilato sa araw ding iyon (dati silang magkaaway.)
13Tinipon ni Pilato ang mga punong pari at ang mga pinuno at ang napakaraming tao,
14at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo ang taong ito sa akin na tila isang taong pinangungunahan ang mga tao upang gumawa ng masama, at tingnan ninyo, tinanong ko siya sa harapan ninyo, wala akong nakitang kasalanan sa taong ito tungkol sa mga bagay na inyong ipinaparatang sa kaniya.
15Wala, kahit si Herodes, sapagkat siya ay ipinabalik niya sa atin, at tingnan ninyo, wala siyang ginawang karapat-dapat ng kamatayan.
16Kaya parurusahan ko siya, at pakakawalan siya.
17(Ngayon, sa pista, kailangang magpalaya ni Pilato ng isang bilanggo para sa mga Judio.)
18Ngunit sabay-sabay silang sumigaw, sinasabi, “Alisin ninyo ang taong ito, at palayain si Barabbas para sa amin!”
19Si Barabbas ay isang taong ibinilanggo dahil sa pagrerebelde sa lungsod at dahil sa pagpatay.
20Kinausap ulit sila ni Pilato, ninanais na palayain si Jesus.
21Ngunit sumigaw sila, sinasabi, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus.”
22Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon, “Bakit, anong masamang ginawa ng taong ito? Wala akong natagpuan upang siya ay marapat na parusahan ng kamatayan. Kaya, pagkatapos niyang maparusahan, pakakawalan ko siya.”
23Ngunit sila ay mapilit na may malalakas na tinig, hinihiling na ipapako siya krus. At nahikayat si Pilato ng kanilang mga tinig.
24Kaya nagpasya si Pilato na ibigay ang kanilang kahilingan.
25Pinalaya niya ang taong hiniling nila, na ibinilanggo dahil sa panggugulo at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Jesus ayon sa kalooban nila.
26Nang siya inilalayo nila, sinunggaban nila ang isang Simon na taga-Cirene, na nanggaling sa kabukiran, at pinapasan nila ang krus sa kaniya upang buhatin niya, na sumusunod kay Jesus.

Read Lucas 23Lucas 23
Compare Lucas 23:3-26Lucas 23:3-26