Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 4

Levitico 4:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
2“Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod.
3Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
4Dapat niyang dalhin ang toro sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harapan ni Yahweh, ipatong ang kaniyang kamay sa ulo nito, at patayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
5Kukuha ang hinirang na pari ng kaunting dugo ng toro at dadalhin ito sa tolda ng pagpupulong.
6Isasawsaw ng pari ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ang kaunti nito ng pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
7At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
8Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,

Read Levitico 4Levitico 4
Compare Levitico 4:1-8Levitico 4:1-8