3Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
4Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
5Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
6Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh.
7Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.