Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 24:3-7 in Tagalog

Help us?

Levitico 24:3-7 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.
4 Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.
5 At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.
6 At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.
7 At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Levitico 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 24:3-7 in Banal na Bibliya

3 Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
4 Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
5 Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
6 Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh.
7 Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.
Levitico 24 in Banal na Bibliya