Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 17

Levitico 17:7-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Hindi na dapat maghandog ang mga tao ng kanilang mga alay sa kambing na mga diosdiosan, kung saan kumikilos sila tulad ng mga bayarang babae. Ito ay magiging isang permanenteng batas para sa kanila hanggang sa katapusan ng kanilang salinlahi.'
8Dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinumang tao ng Israel, o sinumang dayuhang nakatira sa kanila, na maghahandog ng isang alay na susunugin bilang handog.
9at hindi ito dinala sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog ito para kay Yahweh, dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
10At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
11Sapagkat ang buhay ng isang hayop ay nasa dugo nito. Ibinigay ko ang dugo nito sa inyo upang gawing pambayad ng kasalanan sa altar para sa inyong mga buhay, dahil ang dugong ito ang ginagawang pambayad ng kasalanan, sapagkat ang dugo ay pambayad ng kasalanan para sa buhay.
12Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel na walang sinuman sa inyo ang dapat kumain ng dugo, ni sinumang dayuhan na naninirahan kasama ninyo ang maaaring kumain nito.
13At sinumang mamamayan ng Israel, o sinumang mga dayuhang naninirahan sa kanila, na nangaso at pumatay ng isang hayop o ibon na maaaring kainin, dapat patuluin ng taong iyon ang dugo nito at takpan ng lupa.
14Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel, “Hindi ninyo dapat kainin ang dugo ng anumang nilalang, sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Dapat na itiwalag ang sinumang kumain nito.”
15Bawat tao na kumain ng isang patay na hayop o ginutay-gutay ng mga mababangis na hayop, maging ang taong iyon ay katutubo o isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, at patuloy siyang marumi hanggang gabi. Pagkatapos nito magiging malinis na siya.
16Subalit kung hindi niya nilabhan ang kanyang mga damit o pinaliguhan ang kanyang katawan, kung gayon dapat siyang managot sa kanyang kasalanan.'”

Read Levitico 17Levitico 17
Compare Levitico 17:7-16Levitico 17:7-16