Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 16

Levitico 16:18-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
19Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
20Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
21Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
22Dapat dalhing mag-isa ng kambing ang kasalanan ng mga tao patungo sa isang liblib na lugar. Doon sa ilang, dapat pakawalan ng tao ang kambing.
23Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
24Kailangan niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig sa isang banal na lugar, at magbihis ng kanyang pangkaraniwang kasuotan; pagkatapos ay kailangan niyang lumabas at ialay ang kanyang handog na susunugin at ang handog na susunugin para sa mga tao, at sa ganitong paraan ay makagawa ng pambayad kasalanan sa kanyang sarili at para sa mga tao.
25Dapat niyang sunugin ang taba ng handog ng kasalanan sa altar.
26Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.
27Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
28Kailangang labhan ng taong nagsunog ng mga bahaging iyon ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon; maaari na siyang bumalik sa kampo.
29Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
30Dahil ang araw na ito ang pambayad kasalanan na gagawin para sa inyo, para kayo ay malinisan mula sa lahat ng inyong mga kasalanan nang sa gayon kayo ay maging malinis sa harapan ni Yahweh.
31Ito ay isang dakilang Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at walang gagawing trabaho. Ito ay palaging magiging isang tuntunin sa inyo.

Read Levitico 16Levitico 16
Compare Levitico 16:18-31Levitico 16:18-31