Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 16

Levitico 16:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nakipagusap si Yahweh kay Moises—pagkatapos ito ng kamatayan ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, kung saan lumapit sila kay Yahweh at namatay.
2Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
3Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
4Dapat siyang magsuot ng banal na linong tunika, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit pangloob sa kanyang sarili, at dapat siyang magsuot ng linong sintas sa baywang at linong turbante. Ito ay mga banal na damit. Dapat niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig at damitan ang kanyang sarili ng mga damit na ito.
5Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
6Sa gayon ay dapat ipakita ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan, kung saan maging para sa kanya, sa pambayad ng kasalanan para sa kanya at sa kaniyang pamilya.

Read Levitico 16Levitico 16
Compare Levitico 16:1-6Levitico 16:1-6