39Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
40Ang ilan sa maraming tao, nang narinig nila ang mga salitang itoay nagsabi, “Tunay nga na ito ang propeta.”
41Sinabi ng iba, “Ito ang Cristo.” Ngunit sinabi ng iba, “Ano, ang Cristo ba ay mangagaling sa Galilea?
42Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?”
43Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya.
44Ang iba sa kanila ay ninais sanang dakpin siya, ngunit walang isa man ang humuli sa kaniya.
45Pagkatapos bumalik ang mga opisyal sa mga punong pari at mga Pariseo, na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dinala?”
46Sumagot ang mga opisyal, “Walang pang tao ang nagsalita kailanman ng katulad nito.”
47Kaya sinagot sila ng mga Pariseo, “Kayo ba ay nailigaw na rin?”
48Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?
49Ngunit itong maraming tao na hindi alam ang batas—sila ay sinumpa.”
50Sinabi ni Nicodemo sa kanila, (siya na kabilang sa mga Pariseo na pumunta noong una pa kay Jesus),
51“Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?”
52Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea.”