Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 9

Joshua 9:14-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
15Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
16Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ng mga Israelita ang kasunduang ito sa kanila, nalaman nilang sila ay kanilang kapitbahay at nanirahan sila sa malapit.
17Pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel at pumunta sa kanilang mga lungsod ng ikatlong araw. Ang kanilang mga lungsod ay Gabaon, Caphira, Beerot, at Kiriat Jearim.
18Hindi sila sinalakay ang bayan ng Israel dahil gumawa ang kanilang mga pinuno ng isang panata tungkol sa kanila sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nagmamaktol ang buong mga Israelita laban sa kanilang mga pinuno.
19Pero sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong bayan, “Gumawa kami ng isang panata sa kanila tungkol sa kanila sa pamamagitan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ngayon hindi namin sila maaaring saktan.
20Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
21Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22Ipinatawag sila ni Josue at sinabi, “Bakit nilinlang ninyo kami nang inyong sinabi, 'Napakalayo namin mula sa inyo', samantalang naninirahan kayo rito mismo kasama namin?
23Ngayon, dahil dito, isinumpa kayo at ilan sa inyo ay palaging magiging mga alipin, iyong mga pumuputol ng kahoy at sumasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.”

Read Joshua 9Joshua 9
Compare Joshua 9:14-23Joshua 9:14-23