Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 18

Joshua 18:14-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Pagkatapos nagpatuloy ang hangganan sa ibang direksyon: sa dakong kanluran, lumiko ito patungong timog, patungo sa bundok sa ibayo mula sa Bet Horon. Nagtapos ang hangganang ito sa Kiriat Baal (iyon ay, Kiriat Jearim), isang lungsod na pag-aari sa lipi ni Juda. Bumuo ito ng hangganan sa dakong kanluran.
15Nagsimula sa labas ng Kiriat Jearim ang timog na dako. Nagmula roon ang hangganan patungong Epron, hanggang sa bukal na mga tubig ng Neptoa.
16Pagkatapos bumaba ang hangganan sa bundok na kasalungat ng lambak ng Ben Hinnom, na nasa hilagang dulo ng lambak ng Rephaim. Bumaba ito sa lambak ng Hinnom, timog ng libis ng mga Jebuseo, at nagpatuloy pababa sa En Rogel.
17Lumiko ito pahilaga, papunta sa direksyon ng En Semes, at mula roon lumabas ito sa Gelilot, na kasalungat sa paakyat ng Adummim. Pagkatapos bumaba ito sa Bato ni Bohan (anak na lalaki ni Ruben si Bohan).
18Dumaan ito sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Araba at pababa sa Araba.
19Dumaan ang hangganan sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Hogla. Nagtapos ang hangganan sa hilagang look ng Dagat ng Asin, sa timugang dulo ng Jordan. Ito ang hangganan sa timog.
20Nabuo nito ang hangganan ng Jordan sa silangang bahagi. Ito ang pamana sa lipi ni Benjamin, at ibinigay ito sa bawa't isa sa kanilang mga angkan, hangganan pagkatapos ng hangganan, sa buong palibot.
21Ngayon ang mga lungsod ng lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz,
22Bet Araba, Zemaraim, Betel,
23Avvim, Para, Opra,

Read Joshua 18Joshua 18
Compare Joshua 18:14-23Joshua 18:14-23