Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 13

Joshua 13:22-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila.
23Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
24Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan:
25Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba,
26mula sa Hesbon hanggang sa Ramath Mizpeh at Betonim, mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.
27Doon sa lambak, binigay sa kanila ni Moises ang Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon na hari ng Hesbon, kasama ang Jordan bilang isang hangganan, hanggang sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan sa ibayo ng Jordan.
28Ito ang pamana ng lipi ni Gad, angkan sa angkan, kasama ang kanilang mga lungsod at mga nayon.
29Nagbigay ng pamana si Moises sa kalahating lipi ni Manases. Itinalaga ito sa kalahating lipi ng bayan ni Manases, ibinigay sa bawat mga lipi nila.
30Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mahanaim, buong Basan, buong kaharian ni Og hari ng Basan, at sa buong bayan ng Jair, na nasa Basan, animnapung lungsod;
31kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila.
32Ito ang pamana na itinalaga ni Moises sa kanila sa mga kapatagan ng Moab, sa ibayo ng Jordan silangan ng Jerico.

Read Joshua 13Joshua 13
Compare Joshua 13:22-32Joshua 13:22-32