Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Joshua - Joshua 12

Joshua 12:6-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9Ang hari sa Jerico, isa; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;

Read Joshua 12Joshua 12
Compare Joshua 12:6-9Joshua 12:6-9