Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 12:6-9 in Tagalog

Help us?

Joshua 12:6-9 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8 Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9 Ang hari sa Jerico, isa; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;
Joshua 12 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 12:6-9 in Banal na Bibliya

6 Tinalo sila ni Moises na lingkod ni Yahweh, at ng bayan ng Israel, at ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang lupain bilang pag-aari sa mga Rubenita, ng mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 Ito ang mga hari ng lupain na siyang tinalo ni Josue at ng bayan ng Israel sa kanlurang bahagi ng Jordan, mula sa Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon patungo sa Bundok Halak malapit sa Edom. Ibinigay ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israel para sa kanila para angkinin.
8 Ibinigay niya ang maburol na bansa, ang mga mababang lupain, ang Araba, ang mga gilid ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb—ang lupain ng mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananaeo, mga Perezeo, mga Hivita, at mga Jebuseo.
9 Ang mga hari kabilang ang hari ng Jerico, ang hari ng Ai na nasa tabi ng Bethel,
Joshua 12 in Banal na Bibliya