1Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni David at hari sa Jerusalem.
2Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan.
3Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw?
4Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman.
5Sumisikat ang araw at lumulubog ito at nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itong sisikat.
6Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli.
7Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.