18Tumawid sila sa Jordan sa harap ng hari. Tumawid sila para dalhin ang pamilya ng hari at para gawin ang anumang inisip niyang mabuti. Yumuko si Simei anak na lalaki ni Gera sa hari bago palang niya simulang tawirin ang Jordan.
19Sinabi ni Simei sa hari, “Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari.
20Dahil alam ng iyong lingkod na ako ay nagkasala. Tingnan mo, kaya pumunta ako sa araw na ito bilang una mula sa lahat ng pamilya ni Jose para pumunta pababa para makipagkita sa aking panginoong hari.”
21Pero sumagot si Abisai anak na lalaki ni Zeruias at sinabing, “Hindi ba kailangang malagay sa kamatayan si Simei dahil dito, dahil nilapastangan niya ang hinirang ni Yahweh?”
22Pagkatapos sinabi ni David, “Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?”
23Kaya sinabi ng hari kay Simei, “Hindi ka mamamatay.” Kaya nangako ang hari sa kaniya ng isang sumpa.
24Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
25At nang dumating siya mula Jerusalem para makipag-kita sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit hindi ka sumabay sa akin, Mefiboset?”
26Sumagot siya, “Aking panginoong hari, nilinlang ako ng aking lingkod, dahil sinabi ko, 'uupo ako sa isang asno para maaari kong sakyan iyon at sumabay sa hari, dahil ang iyong lingkod ay lumpo.'
27Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin.
28Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?”
29Pagkatapos sinabi sa kaniya ng hari, “Bakit nagpapaliwanag pa? Napagpasyahan ko na ikaw at si Ziba ang maghahati sa mga lupain.”
30Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
31Pagkatapos bumaba si Barzilai ang lahi ng Galaad mula Rogelim para tumawid sa Jordan kasama ng hari, at sinamahan niya ang hari sa Jordan.
32Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang.
33Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, “Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem.”
34Sumagot si Barzilai sa hari, “Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem?
35Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
36Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala?
37Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”