Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 7

1 Mga Hari 7:18-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Kaya si Hiram ay gumawa ng dalawang hanay ng mga granada sa paligid ng bawat poste para palamutian ang kanilang mga kapitel.
19Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas.
20Kasama din ang kapitel sa dalawang haligi, malapit sa kanilang tuktok, ay nakapalibot ang dalawang daang nakahanay na granada.
21Kaniyang itinayo ang mga poste sa portiko ng templo. Ang poste sa kanan ay pinangalanang Jakin, at ang poste sa kaliwa ay Boaz.
22Sa itaas ng mga haligi ay mga palamuti tulad ng mga liryo. Ang paghuhugis ng mga haligi ay natapos sa ganitong paraan.
23Naghulma ng pabilog na dagat na bakal si Hiram, sampung kubit mula sa labi't labi. Ang taas nito ay limang kubit, at ang dagat ay tatlumpung kubit ang palibot na sukat.
24Sa ilalim ng labi ay nakapalibot sa dagat ay bunga ng halamang gumagapang, sampu sa bawat kubit, hinulma lahat kasabay ng hinulmang dagat.
25Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang hinulmang baka, tatlong nakaharap sa hilaga, tatlong nakaharap sa kanluran, tatlong nakaharap sa timog, at tatlong nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa kanila, at ang lahat ng kanilang puwitan ay nakapwesto sa bandang loob.
26Ang dagat ay kasing kapal ng isang kamay, at ang labi nito ay hinulma tulad ng labi ng isang tasa, tulad ng isang bulaklak na liryo. Ang dagat ay naglalaman ng dalawang libong bat na tubig.

Read 1 Mga Hari 71 Mga Hari 7
Compare 1 Mga Hari 7:18-261 Mga Hari 7:18-26