Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 6

1 Mga Hari 6:24-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24Ang isang pakpak ng unang kerubin ay limang kubit ang haba at ang isa pang pakpak nito ay limang kubit din ang haba. Kaya mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa kabilang dulo ng ikalawang pakpak ay mayroong sampung kubit ang agwat.
25Ang lapad ng pakpak ng isang kerubin ay mayroon din sampung kubit. Kapwa kerubin ay mayroon parehong sukat at hugis.
26Ang taas ng isang kerubin ay sampung kubit at ganoon din ang isa pang kerubin.
27Inilagay ni Solomon ang mga kerubin sa pinakaloob na silid. Ang mga pakpak ng mga kerubin ay iniunat para ang pakpak ng isa ay madikit sa isang pader, at ang pakpak ng isa pang kerubin ay madikit sa isa pang pader. Ang kanilang mga pakpak ay nakadikit sa isa't isa sa gitna ng kabanal-banalang lugar.
28Nilatagan ni Solomon ang mga kerubin ng ginto.
29Inukitan niya ang lahat ng pader sa paligid ng templo ng mga hugis ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, sa panlabas at panloob na mga silid.
30Nilatagan ni Solomon ng ginto ang sahig ng templo, sa panlabas at panloob na mga silid.
31Si Solomon ay nagpaggawa ng mga pintong gawa sa punong olibo para sa pasukan papunta sa panloob na silid. Ang hamba at mga poste ng pinto ay mayroon limang bahagi na may mga puwang.
32Kaya nagpagawa siya ng dalawang pinto na gawa sa puno ng olibo, at gumawa siya sa mga ito ng mga ukit ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak. Binalutan niya ang mga ito ng ginto, at kanyang ikinalat ang mga ginto sa kerubin at mga puno ng palma.
33Sa ganitong paraan, gumawa rin si Solomon para sa pasukan ng templo ng poste ng pinto na gawa sa puno ng olibo na mayroong apat na bahagi na may mga puwang
34at dalawang pinto gawa sa kahoy ng puno ng saypres. Ang dalawang panel ng isang pinto ay natitiklop, at ang dalawang panel ng isa pang pinto ay natitiklop.
35Inukitan niya ang mga ito ng mga kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, at pantay niyang nilatagan ng ginto ang inukit na ginawa.
36Itinayo niya ang panloob na patyo ng may tatlong hanay ng mga tabas na bato at isang hanay ng mga bigang sedar

Read 1 Mga Hari 61 Mga Hari 6
Compare 1 Mga Hari 6:24-361 Mga Hari 6:24-36