Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 18

1 Mga Hari 18:5-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Lumibot ka sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at batis. Marahil tayo ay makakahanap ng damo at maililigtas ang mga kabayo at mga asno para hindi tayo maubusan ng lahat ng hayop.”
6Kaya hinati nila ang lupaing kanilang lalakaran at humanap ng tubig. Si Ahab ay naglakad mag isa, at si Obadias ay umiba ng daan.
7Habang si Obadias ay nasa daan, hindi inaasahan nasalubong siya ni Elias. Nakilala siya ni Obadias at nagpatirapa sa lupa. Kaniyang sinabi, “ikaw ba ito, ang panginoon kong si Elias?”
8Sumagot si Elias, “Ako nga ito. Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon, 'Masdan narito, si Elias.'”
9Sumagot si Obadias, “Paano ako nagkasala upang ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Ahab, para patayin niya ako?
10Si Yahweh ang iyong Diyos ay buhay, walang bansa o kaharian na kung saan ang aking panginoon ay hindi nagsugo ng kalalakihan para hanapin ka. Kapag ang isang bansa o kaharian ay nagsasabi, 'Wala rito si Elias,' pinasusumpa sila ni Ahab na hindi ka nila mahanap.
11Pero ngayon iyong sinasabi, 'Pumunta ka, at sabihin mo sa panginoon mo na narito si Elias.'
12Sa sandaling ako ay mawalay sa iyo, ikaw ay kaagad daldalhin ng Espiritu ni Yahweh sa isang lugar na hindi ko alam. Kapag ako ay pumunta at sabihin kay Ahab, at kung hindi ka niya makita, papatayin niya ako. Subalit ako, iyong lingkod, ay sumamba kay Yahweh mula pa sa aking kabataan.
13Hindi ba sinabi sa inyo, aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, kung paanong tinago ko ang isang daan na propeta ni Yahweh, tiglampu sa isang kuweba at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
14At ngayon sinasabi mo, 'Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon na narito si Elias', kaya papatayin niya ako.”
15Sumagot si Elias, “Buhay si Yahweh ng mga hukbo, sa harapan niya ako ay nakatayo, tinitiyak ko na ipapakita ko ang aking sarili kay Ahab ngayon.”
16Kaya si Obadias ay nagpunta para makipagkita kay Ahab; sinabi niya sa kaniya, at nagpunta si Ahab para makipagkita kay Elias.
17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
18At sumagot si Elias, “Hindi ko ginulo ang Israel, pero ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ang nanggugulo sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga utos ni Yahweh at sa pagsunod sa mga diyus-diyosan ni Baal.
19Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
20Kaya nagpasabi si Ahab sa lahat ng tao sa Israel at tinipon ang mga propetang magkakasama sa Bundok Carmelo.
21Si Elias ay lumapit sa lahat ng tao at sinabi niya, “Gaano katagal ninyong babaguhin ang inyong kaisipan? Kung si Yahweh ay Diyos, sumunod kayo sa kaniya. Ngunit kung si Baal ay Diyos, sundin siya.” Subalit ang mga tao ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.

Read 1 Mga Hari 181 Mga Hari 18
Compare 1 Mga Hari 18:5-211 Mga Hari 18:5-21