Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 4

Mga Taga-Roma 4:13-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Sapagkat ang pangako na naibigay kay Abraham at pati na rin sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay hindi sa pamamagitan ng kautusan, ang pangakong ito na sila ang magiging mga tagapagmana ng mundo. Sa halip ay sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
14Sapagkat kung ang mga kabilang sa kautusan ay tagapagmana, ang pananampalataya ay walang kabuluhan, at mawawalan ng bisa ang pangako.
15Sapagkat matinding galit ang naibibigay ng kautusan, ngunit kung saan walang kautusan, wala ring pagsuway.
16Sa kadahilanang ito, nangyayari ito sa pamamagitan ng pananampalataya, upang ito ay sa pamamagitan ng biyaya. Ang kalalabasan, ang pangako ay tiyak para sa lahat ng mga kaapu-apuhan. At hindi lamang ang mga nakakaalam sa kautusan ang makakabilang sa mga kaapu-apuhan na ito, kundi pati na rin ang mga nagmula sa pananampalataya ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat,
17tulad ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Naroon si Abraham sa presensiya ng kaniyang pinagkakatiwalaan, iyon ay ang Diyos, na nagbibigay buhay sa mga patay at lumilikha sa mga bagay na wala pa.
18Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, nagtiwala ng lubusan si Abraham sa Diyos para sa hinaharap. Kaya naging ama siya ng maraming bansa, tulad ng sinabi, “...Magiging ganoon ang iyong mga kaapu-apuhan.”
19Hindi siya mahina sa pananampalataya. Kinilala ni Abraham na patay na ang kaniyang katawan sapagkat mag-iisandaang taon na siya. Kinilala rin niya ang pagiging patay ng bahay-bata ni Sara.
20Ngunit dahil sa pangako ng Diyos, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pananampalataya. Sa halip, napalakas siya sa pananampalataya at nagbigay papuri sa Diyos.

Read Mga Taga-Roma 4Mga Taga-Roma 4
Compare Mga Taga-Roma 4:13-20Mga Taga-Roma 4:13-20