3Nagpadala siya ng mga paanyaya kasama ang mga lingkod niyang babae at tumatawag siya mula sa pinakamataas na dako ng lungsod:
4“Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito!” sinasabi niya roon sa mga walang alam.
5“Lumapit kayo, kainin ninyo ang aking pagkain, at inumin ang alak na aking hinalo.
6Iwanan na ninyo ang mga kaparaanan ng kamangmangan upang kayo ay mabuhay; lumakad sa daan ng pang-unawa.
7Kung sinuman ang magtama ng mangungutya ay nag-aanyaya ng pag-abuso, at kung sinuman ang magtuwid ng masamang tao ay masasaktan.