1Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking karunungan; makinig mabuti sa aking kaunawaan,
2upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman.
3Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis,
4pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
5Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol.
6Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo.
7At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig.
8Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.