9Ito ay maglalagay ng isang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka nito ng isang magandang korona.”
10Makinig, aking anak, at pansinin ang aking mga salita, at ikaw ay magkakaroon ng maraming mga taon sa iyong buhay.
11Papatnubayan kita sa daan ng karunungan; pangungunahan kita sa matuwid na mga landas.
12Kapag ikaw ay lumalakad, walang hahadlang sa iyong daanan at kapag ikaw ay tatakbo, hindi ka matitisod.
13Kumapit ka sa disiplina, huwag itong bibitawan; bantayan ito, dahil ito ay iyong buhay.
14Huwag sumunod sa landas ng masama at huwag sumama sa kaparaanan ng mga gumagawa ng masama.
15Iwasan ito, ito ay huwag magpatuloy; tumalikod mula dito at tumungo sa ibang daan.
16Dahil hindi sila nakakatulog hanggang sila ay makagawa ng masama at nanakawan sila ng tulog hanggang sila ay magdulot ng pagkatisod ng isang tao.
17Dahil sila ay kumakain ng tinapay ng kasamaan at iniinom ang alak ng karahasan.