Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 31

Mga Kawikaan 31:22-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Gumagawa siya ng mga sapin para sa higaan niya at mga lilang damit na pinong lino ang sinusuot niya.
23Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga tarangkahan, kapag umuupo siya kasama ng mga nakatatanda sa bayan.
24Gumagawa at nagbebenta siya ng linong kasuotan, at nagmumula sa kaniya ang mga sintas ng mga mangangalakal.
25Ang kalakasan at karangalan ay suot niya, at sa oras na darating, siya ay tumatawa.
26Binubuksan niya ang kaniyang bibig ng may karunungan, at nasa kaniyang dila ang batas ng kabaitan.
27Binabantayan niya ang pamamaraan ng kaniyang sambahayan at hindi kumakain ng tinapay ng pagkabatugan.
28Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing,
29“Maraming mga babae ang gumawa ng mabuti, ngunit hinihigitan mo silang lahat.”

Read Mga Kawikaan 31Mga Kawikaan 31
Compare Mga Kawikaan 31:22-29Mga Kawikaan 31:22-29