Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 30

Mga Kawikaan 30:22-30

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22ang isang alipin kapag siya ay naging hari; ang isang hangal kapag siya ay puno ng pagkain;
23kapag ang isang kinamumuhian na babae ay nagpakasal; at kapag ang isang babaeng utusan ay pumalit sa pwesto ng kaniyang babaeng amo.
24May apat na bagay sa lupa na malilit, pero napakatatalino:
25ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
26ang mga kuneho ay hindi makapangyarihang nilalang, pero ginagawa nila ang kanilang mga tahanan sa mga batuhan.
27Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos.
28Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
29Mayroong tatlong bagay na marangal sa kanilang mahabang hakbang, apat na marangal kung paano lumakad:
30ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;

Read Mga Kawikaan 30Mga Kawikaan 30
Compare Mga Kawikaan 30:22-30Mga Kawikaan 30:22-30