13Ang taong mahirap at mapang-api ay magkatulad, sapagkat si Yahweh ay parehong nagbibigay liwanag sa kanilang mga mata.
14Kung ang isang hari ay humahatol sa mga mahihirap sa pamamagitan ng katotohanan, ang kaniyang trono ay maitatatag nang walang hanggan.
15Ang pamalo at pagsaway ay nagbibigay ng karunungan, pero ang isang batang malaya mula sa pagdidisiplina ay inilalagay ang kaniyang ina sa kahihiyan.
16Kapag ang mga masasamang tao ay nasa kapangyarihan, ang pagsuway ay dumadami, ngunit sila na gumagawa nang matuwid ay makikita ang pagbagsak ng taong masama.
17Disiplinahin ang inyong anak at bibigyan ka niya nang kapahingahan; bibigyan ka niya ng mga kagalakan sa inyong buhay.