15Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.
16Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw.
17Kung ang isang tao ay maysala dahil nagdanak siya ng dugo sa isang tao, siya ay magiging isang pugante hanggang sa kamatayan, at wala ni isa ang tutulong sa kaniya.
18Ang sinumang maglalakad ng may katapatan ay pinapanatiling ligtas, pero ang isa na ang paraan ay baluktot ay biglang babagsak.
19Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan.
20Ang isang tapat na tao ay magkakaroon ng malaking mga biyaya, ngunit ang nagmamadaling yumaman ay tiyak na hindi makaka-iwas sa kaparusahan.
21Hindi mabuti magpakita nang may pinapanigan, ngunit para sa isang pirasong tinapay ang isang tao ay maaaring gumawa ng masama.
22Ang isang maramot na tao ay nagmamadaling yumaman, pero hindi niya alam na ang kahirapan ay darating sa kaniya.
23Sinumang nagsasaway sa isang tao ay makakahanap nang higit na pabor mula sa kaniya kaysa sa mga pumupuri sa kaniya gamit ang kaniyang dila.
24Sinumang magnanakaw sa kaniyang ama at kaniyang ina at sasabihing, “hindi iyon kasalanan,” kasama siya ng mga maninira.