13Tulad ng lamig ng niyebe sa oras ng pag-aani ay ang tapat na mensahero para sa mga nagpadala sa kaniya; ipinanunumbalik niya ang buhay ng kaniyang mga amo.
14Tulad ng mga ulap at hangin na walang ulan ay ang taong nagmamalaki sa regalo na hindi niya binibigay.
15Kapag may pagtitiis maaaring mahikayat ang isang pinuno, at ang malambot na dila ay kayang makabali ng buto.
16Kapag nakahanap ka ng pulot, kumain ka lang ng sapat— kung hindi, ang kalabisan nito, ay isusuka mo.
17Huwag mong ilagay ang iyong paa ng napakadalas sa bahay ng iyong kapwa, maaari siyang magsawa sa iyo at kamuhian ka.
18Ang taong nagdadala ng huwad na patotoo laban sa kaniyang kapwa ay katulad ng pamalo na ginagamit sa digmaan, o isang espada, o isang matalim na palaso.
19Ang taong hindi tapat na pinagkakatiwalaan mo sa oras ng gulo ay katulad ng sirang ngipin o isang nadudulas na paa.