26Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
27Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
29Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
30Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
31Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
32Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
33Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga—