Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 24

Mga Kawikaan 24:23-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23Ito rin ang mga kasabihan ng matalino. Ang pagkiling sa paghahatol ng isang kaso sa batas ay hindi mabuti.
24Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
25Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
26Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
27Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
29Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”

Read Mga Kawikaan 24Mga Kawikaan 24
Compare Mga Kawikaan 24:23-29Mga Kawikaan 24:23-29