Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 23

Mga Kawikaan 23:17-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
17Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
18Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
19Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
20Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
21dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
22Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
23Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
24Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
25Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
26Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.

Read Mga Kawikaan 23Mga Kawikaan 23
Compare Mga Kawikaan 23:17-26Mga Kawikaan 23:17-26