13Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
14dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol.
15Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
16ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
17Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
18Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
19Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
20Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
21dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.