Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 23

Mga Kawikaan 23:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, magmasid ng mabuti kung ano ang nasa harap mo,
2at maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay isang tao na gustong kumain ng maraming mga pagkain.
3Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan.
4Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil.
5Kapag ang iyong mga mata ay nagliliwanag sa pera, nawala na ito, at bigla itong nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid tulad ng isang agila.
6Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain,
7sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo.
8Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin.
9Huwag magsasalita na naririnig ng isang mangmang, sapagkat kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila,
11sapagkat ang kanilang Tagapagligtas ay malakas, at ipangangatuwiran niya ang kanilang kapakanan laban sa iyo.

Read Mga Kawikaan 23Mga Kawikaan 23
Compare Mga Kawikaan 23:1-11Mga Kawikaan 23:1-11