Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 22

Mga Kawikaan 22:6-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
7Ang mayayamang tao ay pinamumunuan ang mahihirap na tao, at ang isa na siyang humihiram ay isang alipin sa isa na siyang nagpapahiram.
8Siyang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang pamalo ng kaniyang matinding galit ay magiging walang pakinabang.
9Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap.
10Itaboy ang mangungutya at aalis ang alitan; ang mga hindi pagkakaunawaan at mga panlalait ay matitigil.
11Ang siyang nagmamahal ng isang busilak na puso at ang salita ay magiliw, siya ay magiging kaibigan ng hari.
12Ang mga mata ni Yahweh ay nanatiling nakamasid sa kaalaman, ngunit ibabagsak niya ang mga salita ng taksil.
13Sinasabi ng tamad na tao, “Mayroong isang leon sa lansangan! Ako ay mapapatay sa mga hayag na lugar.”
14Ang bibig ng isang babaeng nangangalunya ay isang malalim na hukay; ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa sinuman na mahulog dito.
15Ang kahangalan ay nasa puso ng isang bata, pero ang pamalo ng pagdisiplina ay nagpapaalis dito.
16Ang isa na siyang nagpapahirap sa mahihirap na tao para lumago ang kaniyang karangyaan, o nagbibigay para sa mayayamang tao, ay magiging isang mahirap.
17Magbigay pansin at pakinggan ang mga salita ng mga matalino at idulog ang iyong puso sa aking kaalaman,
18dahil magiging kaaya-aya ito para sa iyo kung panatilihin mo ang mga ito sa iyo, kung lahat ng ito ay handa sa iyong mga labi.
19Sa gayon, mailagak kay Yahweh ang iyong tiwala, ituturo ko ang mga ito sa inyo ngayon— maging sa iyo.
20Hindi ko ba naisulat sa iyo ang tatlumpung kasabihan ng tagubilin at kaalaman,
21para ituro sa iyo ang katotohanan sa mga mapagkakatiwalaang mga salitang ito, sa gayon maaaring kang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang mga sagot sa mga nagpadala sa iyo?
22Huwag mo pagnakawan ang mahirap na tao, dahil siya ay mahirap, o wasakin ang nangangailangang tao sa tarangkahan,
23dahil si Yahweh ang mangangatwiran sa kanilang kaso, at nanakawin niya ang buhay na siyang nagnakaw sa kanila.
24Huwag ka makipagkaibigan sa isang tao na siyang pinamumuan ng galit, at huwag kang sumama sa isang nagagalit nang labis,
25o matututunan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at papaluputan mo ang iyong sarili sa isang patibong.
26Huwag kang makiisa sa nagbibigay ng nakakagapos na mga panunumpa tungkol sa pera, at huwag kang magbibigay ng kasiguraduhan para sa mga pagkakautang ng iba.
27Kung kulang ka ng pamamaraan para magbayad, ano ang makakapigil sa isang tao mula sa pagkuha ng iyong higaan mula sa iyo?
28Huwag mong alisin ang sinaunang batong nagtatakda ng hangganan na inalagay ng iyong mga ama.
29Nakikita mo ba ang isang bihasang lalaki sa kaniyang gawain? Siya ay tatayo sa harapan ng mga hari; hindi siya tatayo sa harapan ng pangkaraniwang mga tao.

Read Mga Kawikaan 22Mga Kawikaan 22
Compare Mga Kawikaan 22:6-29Mga Kawikaan 22:6-29