2Ang bawat pamamaraan ng tao ay maaaring tama sa kaniyang paningin, ngunit si Yahweh ang sumusukat ng mga puso.
3Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa sakripisyo.
4Ang mapagmalaking mga mata at mapagmataas na puso - ang ilawan ng masama - ay kasalanan.
5Ang mga plano ng masipag ang tanging daan sa kasaganahan, ngunit ang lahat ng kumikilos ng masyadong mabilis ay sasapit lamang sa kahirapan.
6Ang pagtamo ng kayamanan ng isang sinungaling na dila ay panandaliang singaw at isang patibong na nakamamatay.
7Ang karahasan ng kasamaan ay tatangayin sila palayo, sapagkat sila ay tumatanggi na gawin kung ano ang patas.
8Ang paraan ng makasalanang tao ay liku-liko; ngunit ang taong dalisay ay gumagawa ng tama.