4Ang kayamanan ay nakadaragdag ng maraming kaibigan, pero ang mahirap ay hiwalay mula sa kaniyang mga kaibigan.
5Ang bulaang saksi ay hindi makakaalis ng hindi napaparusahan, at hindi makakatakas ang siyang nabubuhay sa mga kasinungalingan.
6Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo.
7Lahat ng mga kapatid ng mahirap ay napopoot sa kaniya; paano pa ang kaniyang mga kaibigan na lumalayo mula sa kaniya! Siya ay nananawagan sa kanila, pero sila ay naglaho na.
8Ang nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa kaniyang sariling buhay; ang nagpapanatili sa pang-unawa ay makatatagpo ng kabutihan.
9Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan.
10Hindi angkop para sa isang mangmang na mamuhay ng may karangyaan— lalong hindi para sa isang alipin ang mamuno sa mga prinsipe.
11Ang pag-iingat ay nagdudulot sa isang tao na hindi agad magalit at ang kaniyang dangal ay ang hindi pagpansin sa kasalanan.
12Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.
13Kasiraan sa kaniyang ama ang isang mangmang na anak at ang mapang-away na asawang babae ay tulo ng tubig na walang tigil.
14Ang bahay at kayamanan ay namamana mula sa mga magulang, ngunit mula kay Yahweh ang masinop na asawang babae.
15Hinahagis ng katamaran ang isang tao sa mahimbing na tulog, pero magugutom ang isang tao na ayaw maghanapbuhay.