27Ang isang walang kwentang tao ay naghuhukay ng kapilyuhan, at ang kaniyang pananalita ay tulad ng isang nakakapasong apoy.
28Ang isang napakasamang tao ay pumupukaw ng pagtatalo at ang isang tsismoso ay naghihiwalay ng malalapit na magkaibigan.
29Ang isang taong marahas ay nagsisinungaling sa kaniyang kapwa at naghahatid sa kaniya pababa sa isang landas na hindi mabuti.
30Ang isang kumikindat ay nagbabalak ng napakasamang mga bagay; iyong mga nagtitikom ng mga labi ay gagawa ng kasamaan.
31Ang uban ay isang korona ng karangalan; nakukuha ito sa pamamagitan ng pamumuhay sa tamang paraan.
32Mas mabuting maghinay-hinay sa galit kaysa maging isang mandirigma; ang isang nagpipigil sa kanyang sarili ay mas malakas kaysa sa isang sumasakop sa isang lungsod.