Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 16

Mga Kawikaan 16:13-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Nalulugod ang isang hari sa mga labi na nagsasabi ng kung ano ang tama at kinagigiliwan niya ang isang nagsasalita nang tuwiran.
14Ang matinding galit ng isang hari ay sugo ng kamatayan pero ang isang marunong na tao ay magsisikap na pahupain ang kanyang galit.
15Sa liwanag ng mukha ng isang hari ay buhay, at ang kanyang pagkiling ay parang isang ulap na nagdadala ng ulan sa tagsibol.
16Higit na mainam ang pagtamo ng karunungan kaysa ginto. Ang pagtamo ng kaunawaan ay dapat higit na piliin kaysa pilak.
17Ang daang-bayan ng mga matuwid na tao ay palayo sa kasamaan; ang taong nangangalaga ng kanyang buhay ay nag-iingat sa kanyang landas.
18Nauuna ang kayabangan bago sa kapahamakan at ang mapagmataas na kalooban ay nauuna bago sa isang pagbagsak.
19Mas mabuti pang maging mapagpakumbaba kasama ng mga mahihirap na tao kaysa makipaghatian ng mga nasamsam na bagay sa mga mayayabang na tao.

Read Mga Kawikaan 16Mga Kawikaan 16
Compare Mga Kawikaan 16:13-19Mga Kawikaan 16:13-19