Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 16

Mga Kawikaan 16:10-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Ang isang pahayag na may karunungan ay nasa labi ng isang hari, sa paghahatol ang kaniyang bibig ay hindi nagsasalita nang may panlilinlang.
11Ang tapat na mga timbangan ay nagmumula kay Yahweh; lahat ng mga pabigat sa sako ay kanyang gawain.
12Kapag gumagawa ng napakasamang mga bagay ang mga hari, ito ay isang bagay na dapat kasuklaman sapagkat ang trono ay itinatag sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang tama.
13Nalulugod ang isang hari sa mga labi na nagsasabi ng kung ano ang tama at kinagigiliwan niya ang isang nagsasalita nang tuwiran.
14Ang matinding galit ng isang hari ay sugo ng kamatayan pero ang isang marunong na tao ay magsisikap na pahupain ang kanyang galit.
15Sa liwanag ng mukha ng isang hari ay buhay, at ang kanyang pagkiling ay parang isang ulap na nagdadala ng ulan sa tagsibol.
16Higit na mainam ang pagtamo ng karunungan kaysa ginto. Ang pagtamo ng kaunawaan ay dapat higit na piliin kaysa pilak.
17Ang daang-bayan ng mga matuwid na tao ay palayo sa kasamaan; ang taong nangangalaga ng kanyang buhay ay nag-iingat sa kanyang landas.
18Nauuna ang kayabangan bago sa kapahamakan at ang mapagmataas na kalooban ay nauuna bago sa isang pagbagsak.
19Mas mabuti pang maging mapagpakumbaba kasama ng mga mahihirap na tao kaysa makipaghatian ng mga nasamsam na bagay sa mga mayayabang na tao.
20Sinumang pinagninilay-nilayan ang itinuturo sa kanila ay makakasumpong nang mabuti at iyong mga nagtitiwala kay Yahweh ay masisiyahan.
21Ang isang marunong sa kanyang puso ay tatawaging marunong makita ang kaibhan, at pinahuhusay ng matamis na pananalita ang kakayahang magturo.
22Ang kaunawaan ay isang bukal ng buhay sa isang mayroon nito, pero ang kaparusahan ng mga hangal ay ang kanilang kahangalan.

Read Mga Kawikaan 16Mga Kawikaan 16
Compare Mga Kawikaan 16:10-22Mga Kawikaan 16:10-22