6Ang nangungutya ay naghahanap ng karunungan at walang makita, ngunit ang kaalaman ay madaling dumating sa taong may pang-unawa.
7Umiwas mula sa isang taong hangal, dahil ikaw ay hindi makakakita ng kaalaman sa kaniyang mga labi.
8Ang karunungan ng taong maingat ay para maunawaan ang kaniyang sariling paraan, ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay panlilinlang.
9Ang mga hangal ay nangungutya kapag ang handog sa pagkakasala ay inialay, ngunit sa matuwid ang kagandahang-loob ay ibinabahagi.
10Alam ng puso ang sarili niyang kapaitan, at walang sinuman ang nakikibahagi sa kagalakan nito.