29Ang matiyaga ay may malawak na pang-unawa, ngunit ang taong mabilis magalit ay itinataas ang kamangmangan.
30Ang pusong panatag ay buhay para sa katawan, ngunit ang inggit ay binubulok ang mga buto.
31Ang isang nagmamalupit sa mahihirap ay isinusumpa ang kaniyang Maykapal, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa nangangailangan ay pinaparangalan siya.